Pinag-aaralan ng Pilipinas na magkaroon ng hindi lamang isa kundi tatlo o apat na filipino weightlifters na magiging kwalipikado sa Paris Olympics sa susunod na taon.
Maliban kay Tokyo Games Gold medalist Hidilyn Diaz, kabilang sa apat sina Elreen Ando, Vanessa Sarno at Kristel Macrohon.
Si Ando, Sarno, at Macrohon ay hindi nakakuha ng medalya ngunit nakakuha ng olympic qualifying points sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa Bogota.
Nangako naman ang dating PSC Commissioner na si Monico Puentevella na iuuwi muli ng Pilipinas ang makasaysayang tagumpay ni Diaz-Naranjo sa Tokyo.