Inilabas na ng Quiapo Church ang mga patakarang ipatutupad sa gitna ng idaraos ng mga aktibidad para sa Pista ng Itim na Nazareno ngayong 2023, kasama ang “Walk of Faith” procession sa January 8.
Sa ginanap media conference kaninang umaga, hinikayat ng Quiapo Church ang mga kalahok na sundin ang mga health protocols laban sa COVID-19 gaya ng pagsusuot ng face mask, paglilinis ng kamay, at social distancing.
Inabisuhan din ang publiko na magdala ng government-issued IDs sa oras na kailanganin ito.
Ang mga taong may temperatura na mas mataas sa 37.5 degrees celsius at presyon ng dugo na mas mataas sa 130/80 pati na ang mga taong may namamagang lalamunan, patuloy na pagbahing, ubo, sipon, at maluwag na pagdumi – ay hindi hinihikayat na dumalo sa mga aktibidad.
Kabilang sa mga ipinagbabawal na bagay sa panahon ng mga aktibidad ay ang mga sumusunod:
Medium to life size na mga imahe ng Nazareno
Itandarte o mga banner
Karwahe o andas
Baril at patalim
Paputok
Drone camera
Professional cameras and video recorders
Selfie sticks
Malalaking bag
Kumot, hamper, mga kahon ng imbakan
Portable appliances
LPG at mga kalan
Mga tolda, mesa, at iba pang mga bagay sa piknik
Payong
Inuming nakalalasing
Paninigarilyo at vaping
Laser pointer, malalaking kadena, spike, at iba pang malalaking bagay na metal
Scooter, skateboards, skates
Sasakyan, motorsiklo, bisikleta
Mabibigat na pagkain
Mga bote ng plastik at salamin
Mga stick ng pagkain
Mga alagang hayop
Mga itim na plastik
Mga jacket
Tanging ang mga awtorisadong tao lamang ang pinapayagang magkaroon ng command at emergency vehicles, sound system at bullhorn, UHF/VHF radio, satellite phones, tents, LED billboards, at pagkain para sa mga volunteer sa panahon ng kasiyahan, sinabi ng Quiapo Church.
Ipinagbawal din ng Quiapo Church ang mga kalahok na halikan ang mga larawan ng Itim na Nazareno upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng COVID-19.