Nananatili sa 13.644 trillion pesos ang utang ng Pilipinas hanggang Nobyembre noong nakaraang taon.
Batay sa datos ng Bureau of the Treasury, 0.02% o 3.15 billion pesos itong mas mataas kumpara sa 13.641 trillion pesos noong Oktubre.
Ang bahagyang pagtaas sa portfolio ng utang ay dahil sa epekto ng US dollar sa foreign currency loans.
Nabatid na noong Nobyembre, unang bumagsak sa 56.6 pesos ang halaga ng piso kontra dolyar, mula 58.04 pesos noong Oktubre.