Katulad ni Justin Bronwlee, nais ding mapabilang sa pagiging naturalized Filipino ni Russian Skater Aleksandr Korovin.
Ayon sa atleta, handa siyang gawin ang mga proseso para maging naturalized Filipino citizen.
Nabatid na sa naging pahayag ng skating pairs partner ni Aleksandr na si Isabella Gamez na isa namang Filipino-American, nais nilang mag-qualify sa 2026 Winter Olympics na gaganapin sa Milan, Italy na magbibigay ng karangalan sa Pilipinas.
Matatandaang nito lamang buwan ng Disyembre, nagtanghal ang dalawa sa “Carols on Ice,” ang musical Christmas ice show na inorganisa ng Philippine Skating Union.