Mas mataas ng 42% ang naitala ngayon sa fireworks-related injuries matapos itong umabot sa 262 cases.
Ayon sa Department of Health, simula noong Enero 2, 51 ang naitalang bagong kaso mula sa 61 DOH Sentinel Hospitals.
Lumalabas na mas mababa ito sa 15% kumpara sa five-year-average na 308 sa kaparehong panahon noong 2021.
May pinakamataas na bilang ng kaso ang National Capital Region na may 126 na sugatan, sinundan ng Western Visayas; 31 habang Ilocos Region; 23 at nasa 208 na kalalakihan ang nabiktima ng paputok. –sa panulat ni Jenn Patrolla