Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na mababa pa rin sa ngayon ang bilang ng mga nagpapa-rehistro para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na nakatakdang isagawa sa buwan ng Oktubre.
Batay sa datos ng komisyon, aabot sa 60,491 ang naitalang bilang ng mga bagong aplikante na nais makaboto sa BSK elections.
Pumalo naman sa 101,944 ang bilang ng mga regular registrants na nasa edad 18-30 habang nasa 25,694 naman ang bilang ng mga nagparehistro na may edad 31 pababa.
Dahil dito, hinihikayat ni COMELEC acting Deputy Executive Director for Operations Rafael Olano ang publiko na maagang magparehistro at huwag nang maghintay ng deadline upang hindi maitala ang anumang aberya.
Magsisimula ang voter registration tuwing Lunes hanggang Biyernes, alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon sa mga tanggapan ng COMELEC habang ang Register Anywhere Project (RAP) ay ikinakasa tuwing Sabado at Linggo sa mga itinalagang mall sa bansa.