Naglabas na ng pahayag ang Bank of the Philippine Islands o BPI kasunod ng naitalang isyu sa kanilang system ngayong araw.
Sinabi ito ng BPI matapos ulanin ng reklamo nang i-ulat ng kanilang mga customer ang hindi awtorisadong “0431 debit memo” na kanilang natanggap sa kanilang accounts.
Simula kaninang alas-otso y medya ng umaga nagsimulang hindi ma-access ng kanilang mga customer ang mobile app ng naturang bangko.
Pahayag ng BPI sa isyu, ginagawa na nila ang lahat ng paraan upang ayusin ang mga duplicate na transaksyon, kasabay ng pagtiyak na ligtas at secure ang account ng kanilang mga miyembro.
Sa ngayon, top trending Tweet na sa twitter ang hashtag 0431 Debit Memo.