Handa ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na humarap sa anumang ikakasang imbestigasyon kaugnay sa aberyang naranasan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong linggo.
Ayon kay CAAP Deputy Director General Captain Edgardo Diaz, bukas silang magbigay ng pahayag sa anumang investigating body gaya ng Senado, upang maidetalye ang naganap na problema na nakaapekto sa libo-libong pasahero.
Gayunman, sinabi ni Diaz na wala pa silang pinal na desisyon sa hirit ni Albay Congressman Joey Salceda kung saan ipinanawagan nitong dapat bayaran ng gobyerno ang mga naapektuhang pasahero.
Giit ng opisyal, gumugulong na ngayon ang imbestigasyon hinggil sa aberya kaya kailangan pang pag-aralan ang sinabi ni Salceda.