Nadagdagan ng isa ang bilang ng mga nasawi dahil sa masamang panahong dulot ng shearline sa ilang rehiyon sa bansa kaya’t pumalo na sa 52 ang death toll.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 13 mula sa bilang na ito ang kumpirmado na habang 39 ang bineberipika pa.
26 ang napaulat na nasawi sa Region 10, 9 sa Region 5, 5 sa Region 8, tig-4 sa Region 9 at Region 11, tatlo sa Caraga; at isa sa MIMAROPA.
16 naman ang nasugatan dahil sa epekto ng shear line habang 18 ang bilang ng mga nawawalang indibidwal.
Umabot naman sa 7, 114 families o mahigit 26,000 indibidwal ang nananatili pa rin hanggang ngayon sa 170 evacuation centers, habang halos labing isang libong pamilya naman ang nanunuluyan sa ibang lugar.