Target ng umpisahan ni Senate Committee on Public Services Chairman Senator Grace Poe sa susunod na linggo ang imbestigasyon sa naganap na technical glitch noong Enero a uno sa Air Traffic Management System ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) dahilan para makansela lahat ng flights.
Ayon kay Senator Poe, sa January 12 niya planong magpatawag ng pagdinig sa naturang isyu.
Paliwanag ng senadora maaari naman silang magsagawa ng imbestigasyon kahit na naka-break pa ang sesyon.
Ayon kay Senator Poe bagama’t sinabi niya na hahayaan muna niya ang CAAP at Department of Transportation (DOTR) na tutukan ang pagbabalik sa normal ng operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) pero wala na anyang excuse o magiging palusot ang mga kinauukulang opisyal para hindi makadalo sa pagdinig sa January 12.
Samantala, hindi pa kinumpirma ni Senator Poe kung kabilang sa kanyang ipapatawag sa imbestigasyon si dating Transportation Secretary Arthur Tugade.
Ayon pa sa senadora, bago ang imbestigasyon ay ipapabatid nila kung sino-sino ang kanilang iimbitahan.
Una rito, tatlong senador na ang nagsumite ng resolusyon na nananawagan na imbestigahan ng senado ang nangyaring aberya sa na sina Senator Jinggoy Estrada, Joel Villanueva at Bong Revilla Jr.