Handang sagutin ng pamunuan ng Iglesia ni Cristo ang alegasyon ng kanilang dating ministro na si Vincent Florida sa tamang panahon at lugar.
Ayon kay INC Spokesman Edwil Zabala, sa ngayon ay hindi pa nila natatanggap ang kopya ng reklamo at palaisipan pa kung ano ang motibo ng nag-aakusa.
Gayunman, nakikiisa anya ang Iglesia at tinitiyak nilang makikipag-ugnayan sila sa mga awtoridad kung kina-kailangan.
Magugunitang inireklamo ni florida ng tax fraud sina INC executive minister Eduardo Manalo at auditor na si Glicerio Santos sa United States Internal Revenue Service.
By: Drew Nacino