Target ng umpisahan ni Senate Committee on Public Services Chairman Senator Grace Poe ang imbestigasyon sa January 12 makaraang maganap nuong Enero 1 ang technical glitch sa air traffic management system ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) dahilan para makansela lahat ng flights.
Sinabi ni Senator Poe na maaari naman silang magsagawa ng imbestigasyon kahit na naka break pa ang sesyon
Ayon kay Senator Poe bagamat sinabi nya na hahayaan muna ang CAAP at Department of Transportation (DOTr) na tutukan ang pagbabalik sa normal ng operasyon ng NAIA , wala na anyang excuse o magiging palusot ang mga kinauukulang opisyal para hindi makadalo sa pagdinig sa January 12.
Samantala, hindi naman kinumpirma ng senadora kung kabilang sa kanyang ipapatawag sa imbestigasyon si Dating Transportation Secretary Arthur Tugade.
Aniya, bago ang imbestigasyon ay ipapabatid nila kung sino-sino ang kanilang iimbitahan
Una rito, 3 senador na ang nagsumite ng resolusyon na nananawagan na imbestigahan ng senado ang nagyaring aberya sa NAIA , ito ay sina Senator Jinggoy Estrada, Joel Villanueva at Bong Revilla Jr. - sa ulat mula kay Cely- Ortega Bueno ( Patrol 19).