Sarado ngayong araw ang ilang mga kalsada sa paligid ng University of Santo Tomas o UST para sa huling araw ng bar exam.
Batay sa abiso ng Manila Police District Traffic Enforcement Unit, sarado na mula kaninang 6:00 ng umaga hanggang mamayang 5:00 ng hapon ang kahabaan ng Dapitan street mula A.H. Lacson Avenue hanggang Navarra Street.
Isasara naman mamayang 3:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi ang Westbound lane ng España Boulevard mula A.H Lacson Avenue hanggang P. Noval Street.
Narito naman ang ilang mga alternatibong ruta na maaaring daanan ng mga motorist:
Mula southbound ng A.H Lacson Avenue, deretso patungong nagtahan hanggang makarating sa destinasyon.
Kung galing naman sa Northbound ng A.H Lacson Avenue, mag u-turn sa Aragon, at diretso hanggang nagtahan boulevard.
Para naman sa mga nais tahakin ang Westbound lane ng España Boulevard, kumanan lang po sa a.h. lacson avenue, kaliwa sa laong-laan street patungong A. Mendoza street hanggang makiarating sa destionasyon
Sa mga pupunta naman ng Quiapo sa pamamagitan ng Dapitan street, kumanan lang sa A.H. Lacson Avenue, kaliwa sa Laong-Laan street patungong A. Mendoza street hanggang makarating sa pupuntahan.
Samantala, ipagbabawal din ang pag papark sa paligid ng UST ngayong araw partikular na sa España boulevard, A.H. Lacson Avenue, Dapitan street, at P. Noval Street.
By: Jonathan Andal