Inihayag ng mga eksperto na dapat maging malinaw ang fishing access ng mga mangingisdang pilipino sa Spratly Island at Scarborough Shoal.
Sa tatlong araw na state visit ni Pangulong Bongbong Marcos sa China, umaasa ang Asia-Pacific Pathways to Progress Foundation na natalakay ni PBBM at Chinese President Xi Jin Ping ang maraming paksa hinggil sa naturang usapin.
Ayon sa grupo, noon pang 2012, marami nang pilipinong mangingisda ang hindi nakakapasok sa Scarborough na isa sa kanilang nakasanayang fishing ground.
Nabatid na nakalapit lang at nakakapangisda muli ang mga pinoy fisherman, dahil nagkaroon ng soft landing o ang proseso ng kasunduan nang maupo sa puwesto si dating pangulong Rodrigo Duterte noong 2016.
Kumpiyansa ang grupo na ang paghihigpit ng China sa naturang mga isla ay nagreresulta ng kawalang kabuhayan ng maraming pilpinong mangingisda sa bansa.