Inihayag ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na sisikapin ng kanilang ahensya na maisulong ang Budget Modernization Bill sa bansa.
Ayon kay Pangandaman, prayoridad ng ahensya ang pag-institutionalize ng Cash Budgeting System (CBS) upang magkaroon ng sapat na cash budget ang mga ahensya ng gobyerno na gagamitin sa loob ng isang taon.
Iginiit ng kalihim, na sa ilalim ng bawat mga ahensya, dapat nagagamit nang tama ang pondo na inilaan para sa iba’t ibang mga programa at proyekto ng pamahalaan.