Nagbabala ang Bureau of Immigration sa mga dayuhan hinggil sa kanilang annual report na kailangang isumite sa loob ng unang animnapung araw, kada taon.
Ayon sa ahensya, obligado ang lahat ng foreigners na nasa bansa na personal na magtungo at magreport sa tanggapan ng BI batay narin sa Alien Registration Act of 1950.
Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco, na nakapaloob sa nasabing batas na ang mga dayuhan, refugee, at mga stateless citizen na mayroong immigrant at non-immigrant visa at nabigyan ng alien certificate of registration identity card na magpupunta sa Pilipinas ay kailangang magsumite ng kanilang annual report o ang updated company activities sa lahat ng tanggapan ng ahensya na tatagal lang hanggang March 1, 2023.