Target ng Department of Agriculture (DA) na mamahagi ng 6,600 peso fertilizer subsidy kada ektaryang lupa sa mga magsasaka para sa paparating na dry season.
Ayon kay DA Spokesperson at Assistant Secretary Rex Estoperez, kasalukuyan pang hinihintay ang approval ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito’y dahil lampas ang nasabing halaga sa pinapayagang budget na maaaring ipagkaloob ng regional directors.
Sakaling aprubahan, tiniyak ng kagawaran na agad nitong bubuuhin ang implementing rules and regulations ng programa. – sa panulat ni Hannah Oledan