Umapela ang Land Transportation Office (LTO) sa publiko na kilalanin at respetuhin ang otoridad ng mga law enforcer ng LTO kapag nahuhuli dahil sa paglabag sa batas-trapiko.
Binigyang-diin din ng LTO na dapat iwasan ng mga motorista na bigyan ng pera o anumang uri ng panunuhol para makalusot sa pananagutan o pagkakaroon ng violation ticket.
Binigyang-diin ni LTO Chief, Assistant Secretary Jose Arturo Tugade na walang patutunguhan ang panunuhol at palalalain lamang nito ang sitwasyon.
Ang panawagan ni Tugade ay reaksyon sa nangyaring panunuhol ng isang nahuling PUV driver na walang prangkisa o kolorum.
Tinangka umano ng drayber na magsuksok ng 300 pesos sa ilalim ng mga dokumentong hawak nito ngunit biglaan ding hinablot ang pera matapos makitang may nakatutok na camera at agad naman itong dinakip.
Samantala, pinapurihan naman ni Tugade ang ginawang pagtanggi ng mga traffic enforcer sa naturang panunuhol. – sa panulat ni Hannah Oledan