Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 459 COVID-19 cases kahapon.
Bagama’t mas mataas ito sa naitalang 326 cases noong Miyerkules, patuloy namang bumababa ang bilang ng aktibong kaso ng nasabing sakit kung saan nakapagtala ang kagawaran ng 11,779.
Sa kabuuan ay pumalo na sa 4,065,910 ang nationwide cases kabilang ang 3, 988,860 total recoveries at 65,451 death toll.
Nangunguna pa rin ang National Capital Region (NCR) sa may pinakamaraming infections sa nakalipas na dalawang linggo na may 2,519 cases.
Sinundan ng Calabarzon, 1,211, Central Luzon, 581, Western Visayas, 341, at Cagayan Valley, 270.