Makararanas ng pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa ngayong araw.
Ayon sa PAGASA, epekto ito ng Low Pressure Area (LPA) na nasa loob ng bansa na huling namataan sa layong 1,000 kilometro silangan ng Southern Mindanao.
Ang mga lugar na maaapektuhan ng LPA na may pinag-ibayong shearline ay ang Palawan, Visayas, at Mindanao.
Dahil dito, asahan na ang pagbaha at landslide sa lugar.
Samantala, uulanin din ngayong araw ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region (CAR), nalalabing bahagi ng MIMAROPA, Bicol Region, Aurora, at Quezon ngunit dahil ito sa Northeast monsoon o amihan.
Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas din ng pag-ulan ngayong araw dahil sa Localized Thunderstorm.