Plano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magdagdag ng mga bus para sa EDSA Carousel.
Ito ay upang mabawasan ang oras ng paghihintay ng mga pasahero.
Ayon sa LTFRB hindi nasusunod ang mga iskedyul ng pagdating ng mga bus na inaabot ng 10 minuto bago ito dumating.
Sa kasalukuyan, nasa mahigit 500 mga bus ang pinapatakbo sa EDSA Bus Carousel.
Samantala, una ng sinabi ng LTFRB na posibleng ibalik na ang Libreng Sakay Program sa una o ikalawang quarter ng taon. —sa panulat ni Jenn Patrolla