Aabot sa 500 pamilya ang lumikas sa Norzagaray, Bulacan matapos bahain ang kanilang lugar bunsod ng pagpapakawala ng tubig ng Angat at Ipo dams dahil sa walang-tigil na pag-ulan.
Ayon kay Norzagaray Mayor Ma. Elena Germar, noon pang Biyernes nagsimulang lumikas ang mga residente na nagmula sa mga barangay ng Poblacion, Matictic, San Mateo at San Lorenzo.
Patuloy naman ang pagsagip ng miyembro ng Norzagaray Rescue sa mga residenteng hindi na nakalikas kahapon.
Sa ngayon, nagbigay na ng relief goods ang Local Government Unit (LGU) ng Norzagaray sa mga evacuees na dinala sa mga evacuation centers.