Nagpapatuloy ang pagdating ng replika ng poong itim na Nazareno sa Quiapo Church habang patuloy rin ang pagdagsa ng mga debotong nagtutungo sa naturang simbahan.
Dakong , 6am , tinatayang nasa 39,000 ang mga indibidwal ang nagpunta sa Quiapo.
Kasabay ng misa, makikita ang mga taong nagkalat sa labas ng Quiapo church.
Samantala, sarado ang mga kalsada at tanging mga tao lamang na naglalakad at mga sasakyan na may sakay na replika ng poon ang pinapayagang makapunta sa simbahan. - sa panunulat ni Maze Aliño-Dayundayon