Tumulak na si Pangulong Benigno Aquino III para sa kanyang biyahe sa 3 bansa sa Europa.
Sa kanyang departure speech, sinabi ng pangulo na unang destinasyon ang Paris, France para dumalo sa conference of the parties o COP21 na may kinalaman sa climate change.
Ibabahagi aniya nito sa mga lider ng bansa ang naging karanasan ng pilipinas sa pagharap at pagbangon sa mga naranasang matitinding kalamidad dulot ng climate change.
Ibibida niya sa pagdalo sa COP21 ang Manila call to action on climate change na inilunsad noong Pebrero nang bumisita sa bansa si French President Francois Hollande.
Mula sa Paris ay didiretso ang pangulo sa Rome, Italy at sa Vatican city para hiwalay na makipagkita kina president Sergio Mattarela at Pope Francis.
By: Aileen Taliping (patrol 23)