Ipinatupad na rin sa iba pang mga bansa ang heightened surveillance kasunod ng muling pagsirit ng kaso ng Covid-19 at pagluluwag ng restriksiyon sa Beijing, China.
Matatandaang inihayag ng ilang eksperto na posibleng kumalat na sa 29 na bansa ang panibagong variant ng Covid-19 bunsod ng bagong kaso ng Omicron sublineage na XBB.1.5 na itinuturing na pinakanakakahawang virus sa buong muindo.
Ayon kay Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, bukod sa Tsina, mahigpit ding minomonitor ng ahensya ang mga dayuhang magmumula sa iba pang mga bansa.
Sa kabila nito, iginiit ng opisyal na wala pa umanong nakikitang dahilan ang mga eksperto para magrekomenda ng mas mahigpit na pagpapatupad ng restriksiyon sa China.