Nakumpiska ng mga otoridad and nasa P2.6 – M na halaga ng shabu sa General Trias, Cavite.
Kinilala ng mga suspek na sina Lovelyn Luayon at Aljohn Tongol, kapwa residente sa Barangay Navarro, ng nasabing lungsod.
Batay sa ulat ng PNP Region 4-A, nakita nila sa loob ng bahay ng mga suspek ang 44 na pakete ng shabu na bigat na 393.95 grams na may dangerous drugs board value na aabot sa P 2 ,678 ,860.
Narekober rin sa mga suspek ang 7 mobile phones; shabu-sniffing paraphernalia magazine para sa 45 pistol at 4 na bala para sa 454 revolver.
Samantala nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 and illegal possession of ammunition ang mga suspek.