Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na bumaba ang mga insidente ng rape at physical injury sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Batay sa datos ng mga otoridad mula sa 5, 192 hanggang sa 3,762 at 2,681 hanggang 2,608 insidente nito.
Ayon kay PNP Chief PGEN. Rodolfo Azurin Jr., theft, rape, at physical injury ang kadalasang krimen simula noong maupo si PBBM.
Samantala, binigyang pansin niya na sa kasalukuyan ay bumaba na ang bilang mga naturang krimen sa lahat ng mga rehiyon sa bansa.