Sumampa na sa halos P4-M ang pinsalang iniwan ng malakas na pag-ulan na nagdulot ng malawakang pagbaha sa Zamboanga City.
Batay sa City Agriculturist Office, may kabuuang 105.99 ektarya ng palayan at gulayan ang nasira dahil sa baha noong bisperas ng pasko.
Ayon kay City Agriculturist Carmencita Sanchez, nabigyan na ng tulong ng lokal na pamahalaan ang nasa 139 apektadong magsasaka.
Samantala, matatandaan na isa ang naiulat na nasawi habang daan-daan naman ang inilikas dahil malawakang pagbaha na naranasan ng naturang lungsod.