Lumobo sa mahigit 1.356 billion kilo ng imported meat products ang inangkat ng Pilipinas noong isang taon sa gitna nang problema sa supply at produksyon ng baboy.
Ito na sa ngayon ang pinaka-malaking bulto ng karneng baboy na inangkat sa kasaysayan ng bansa sa kabila ng pagkalat ng African Swine Fever.
Kumpara ito sa naitala ng Bureau of Animal Industry (BAI) na 1.165 billion kilo ng karneng inimport noong isang taon.
Ayon sa BAI, ang pagtaas ng overall meat imports ay dulot ng 28% growth sa pork imports noong isang taon na umabot sa 710.3 million kilograms.
Halos 400 million kilograms ng kabuuang inangkat na karne ay belly cuts, na pinatawan ng mas mababang taripa na kamakailan ay pinalawig ni Pangulong Bongbong Marcos hanggang katapusan ng Disyembre, 2023.
Una nang inihayag ng pamahalaan na layunin ng mas mababang taripa na makapag-import ng mas maraming agricultural products, gaya ng karne upang mapababa ang presyo ng mga nasabing bilihin.
Batay sa datos ng Consumer at Market data platform na Statista, pang-pito ang Pilipinas sa mga bansang may pinaka-malaking konsumo ng karne habang nangunguna ang China, sinundan ng Japan, Mexico, U.K, South Korea at U.S.