Sasamantalahin ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang biyahe sa France ang pakikipagpulong sa pangulo ng malalaking kumpanya para hikayating mamuhunan sa Pilipinas.
Sinabi ng pangulo na taas-noo niyang ipagmamalaki sa mga negosyante ang mas maaliwalas na pagnenegosyo sa bansa.
Hihikayatin aniya nito ang mga negosyante na mamuhunan at magpalawak ng negosyo sa Pilipinas para madagdagan ang oportunidad sa mga Filipino.
Kasama ng pangulo sa kanyang biyahe sa europa ang kanyang mga economic managers para tumulong na ipaliwanag ang magandang business climate sa bansa.
By: Aileen Taliping (patrol 23)