Umabot na sa 60% o mahigit 500 general at colonels ng Philippine National Police (PNP) ang nakapagpasa ng kanilang courtesy resignation.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government secretary Benhur Abalos Jr., nagpapasalamat siya sa lahat ng tumalima sa kaniyang panawagan at suportang natanggap nito sa mga regional commanders.
Sinabi naman ni Abalos na ang kumpiyansa ng mga opisyal ng PNP ay makikita sa mahigit 500 sa kabuuang 947 matataas na opisyal ng pulisya, na tumugon sa kanyang apela para sa kanilang courtesy resignation.
Inaasahan din ni Abalos na mas dadami pa ang bilang sa susunod na linggo hanggang sa katapusan ng buwan.
Sa ngayon, paglilinaw ni Abalos na hindi maaapektuhan ng resignation ang paghahatid ng serbisyo ng PNP maliban na lang kung tatanggapin ito ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.