Niyanig ng magnitude 7.6 na lindol ang karagatan ng indonesia at east timor ngayong araw.
Ayon sa US Geological Survey (USGS), may lalim ang lindol na 95 kilometro o higit 90 milya.
Naitala ang episentro nito 427 kilometro o 265 milya ka- timogang bahagi ng Ambon Island.
Agad namang nagpalabas ng tsunami warning ang Indonesian Geophysics Agency para sa mga lokal na isla sa bansa.
Sa ngayon, ilang aftershocks na ang naitala na umaabot sa magnitude 5.5.
Wala pa namang naitatalang casualties at halaga ng nasirang imprastruktura sa naturang bansa.