Pinayuhan ng Department of Health (DOH) na mag-isolate kung may sintomas ng COVID-19 ang mga dumalong deboto sa pista ng itim na Nazareno.
Ayon kay DOH Officer-In-Charge Maria Rosario, sakaling makaramdam na parang tinatrangkaso, sinisipon, inuubo, nilalagnat, mag-isolate na agad at tumawag sa ating local governments for proper management.
Sinabi ng pamunuan ng simbahang ng quiapo, higit kumulang 2 milyong deboto ang dumalo sa Quiapo at sa Quirino Grandstand.
Dagdag pa ng kagawaran na magsuot ang mga deboto ng face mask sa susunod na 5 araw upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus.