Aarangkada na ang buena manong dagdag-singil ng MERALCO ngayong taon.
Ito, ayon sa Meralco, ay makaraang sumipa ang generation charge ng P33.16 per kilowatt hour dahil nagmahal ang singil ng independent power producers, partikular ang First Gas Sta. Rita at San Lorenzo.
Dahil ito sa mas mahal na binibiling panggatong ng mga nasabing power producer bunsod ng kakulangan ng suplay ng natural gas mula sa malampaya.
Nagmahal din ang kuryente sa wholesale electricity spot market ng P68.8 per kilowatt hour dahil sa kakulangan ng suplay at tatlong araw nagdeklara ng yellow alert noong Disyembre.
Nadagdagan din ang kinukuhang kuryente sa WESM matapos suspendihin ng Court of Appeals ang power supply agreement ng South Premier Power Corporation sa MERALCO.
Humuhugot naman ng Kuryente ang Meralco sa GNPOWER dinginin limited pero hanggang january 25 lamang at mas mahal ito sa hinihinging increase ng s.p.p.c.
Para sa mga kumokonsumo ng 200 kilowatt per hour, madaragdagan ng P124 ang singil; P196 para sa 300 kilowatt per hour; P248 para sa 400 kilowatt hour at P310 para sa 500 kilowatt hour.