Sumampa na sa mahigit P264 million pesos ang kabuuang halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastraktura ng pag-ulang dulot ng Low Pressure Area (LPA).
Batay sa pinakabagong datos ng Office of Civil Defense (OCD), pumalo sa mahigit 153 million pesos (P153,066,260) ang kabuuang pinsala sa imprastraktura at mahigit P111 million pesos (P111, 738,324) naman sa agrikultura.
Umabot na sa 432 ang bilang ng mga bahay na nasira, habang 18 mga kalsada naman at apat na tulay ang hindi pa rin madaanan.
Kabilang sa mga naapektuhang rehiyon ang Calabarzon, Mimaropa, region 5, 6, 8, 10, 11 at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Samantala, mula sa 11 naiulat na nasawi kahapon, ibinaba ito sa sampu dahil ang isang naitalang nasawi mula sa Capiz ay namatay dahil sa localized thunderstorm noong December 31,2022 at hindi dahil sa LPA. – mula sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)