Iniimbestigahan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang bitak sa Marikina Bridge.
Ito’y matapos idinulog ng Marikina Local sa Government sa nabanggit na ahensya.
Ayon kay Mayor Marcy Teodoro, pinamamadali na nila ang pagsasaayos sa structural damage sa tulay dahil sa pagcollapse nito.
Idinudulog din nilang mailabas ng DPWH ang geotechnical report para matukoy ang pinagmulan ng bitak.
Kasalukuyan namang, nagdeploy na ang DPWH ng tauhan sa Marikina bridge.
Samantala, maari nang madaanan ng mga motorista at pedestrian sa ilang bahagi ng Marikina bridge. - sa panunulat ni Jenn Patrolla