Inilunsad na sa buong bansa ng Commission on Elections (COMELEC) ang kanilang Voter Education Seminar para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) .
Ayon sa COMELEC nagsimula ito sa isang seminar noong Enero 9 at magpapatuloy hanggang Enero 13.
Nabatid na ginanap ang unang seminar sa 30 eskuwelahan sa buong bansa na may satellite registration na kasama sa programa.
Samantala, ilan lamang sa mga tinalakay sa seminar ang kahalagahan ng pagiging botante, ang step-by-step process ng voter registration at tungkulin ng mga kwalipikado at halal na opisyal sa barangay at SK.