Kabilang sa mga bagong itinalaga ni PBBM sina Faith De Guia bilang DIRECTOR III ng Presidential Communications Office; Gloria Balboa bilang Assistant Secretary ng Department of Health (DOH) ; Johanna Banzon bilang Director IV ng DOH; at Rodley Desmond Daniel Muñoz Carza bilang Director III ng DOH.
Iniluklok din si Geneses Abot bilang Deputy Director General ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) habang in-appoint naman si Michael Aguinaldo bilang Chairperson ng Philippine Competition Commission na nasa ilalim ng Office of the President.
Sina Jocelyn Cabreza at Alan Luga naman ay inilagay sa Board of Trustees ng Government Service Insurance System (GSIS) bilang acting members na kumakatawan sa banking, finance, investment, and insurance sectors.
Si Edgardo Pamintuan naman ay itinalaga rin bilang bagong acting chairman at member ng board of directors ng Clark Development Corporation (CDC) habang si Robert Joseph De Claro ay iniluklok din bilang acting member ng social security commission na kumakatawan sa employers’ group.
Samantala, si Robert Bioco ay naluklok naman bilang Acting Administrator ng National Food Authority na nasa ilalim ng pamamahala ng Department of Agriculture (DA).
Hindi naman binanggit ni PCO SEC. Cheloy Garafil kung nanumpa na sa kani-kanilang mga tungkulin ang mga nasabing opisyal.- sa ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13).