Nagdeklara ng state of calamity ang Local Government Unit (LGU) ng Gandara Samar bunsod ng malawakang pagbaha dahil sa patuloy na pag-ulan sa lugar
Batay sa resolusyon inaprubahan ni Mayor Warren Aguilar ang deklarasyon ay bunsod ng mga pagbaha sa mga barangay na nasa mababang lugar partikular iyong mga malapit sa ilog.
Batay pa sa ulat ng Gandara Municipal Disaster Risk Reduction and Managenent Office (GMDRRMO) nagdulot ng pagbaha ang tuloy-tuloy na pag ulang dala ng low pressure area sa munisipalidad dahilan upang ilikas ang karamihan ng mga residente. - sa ulat mula kay Agustina Nolasco (Patrol 11)