Wala pa ring tugon ang Pilipinas, partikular si Pangulong Bongbong Marcos sa hiling na dayalogo ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky upang talakayin ang papel ng bansa sa Ukraine-Russia war.
Ayon kay Denys Mykhailiuk, Chargé D’affaires ng Ukrainian embassy sa Malaysia, nais makausap ni Zelensky si Pangulong Marcos sa pamamagitan ng telepono.
Kinakausap na anya nila ang Department of Foreign Affairs dalawang beses sa isang buwan simula pa noong Hunyo 2022 subalit wala pa itong sagot.
Samantala, wala pa ring tugon ang malakanyang maging DFA kaugnay ng isyu.