Suspendido ngayong araw ang pasok sa paaralan sa ilang lugar sa bansa.
Dahil ito sa epekto ng low pressure area (LPA) at shear line na nagdulot pa ng pagbaha at landslide.
Ang mga lugar na nagsuspinde na ng klase sa lahat ng antas, pampubliko at pribado ay ang Eastern Samar sa Eastern Visayas, San Carlos City sa Negros Occidental at Zamboanga City sa Zamboanga Peninsula.
Samantala, wala ring pasok ngayong araw sa lahat ng lebel sa Bohol; preschool hanggang senior high school sa Negros Oriental; preschool hanggang elementarya sa Carmen sa Cebu; at preschool hanggang senior high school sa pampublikong paaralan sa Lapu-Lapu City, Cebu.
Para sa iba pang lugar na magsususpinde ng klase ngayong araw, manatiling nakatutok dito sa DWIZ 882.