Isinailalim na sa state of calamity ang Zamboanga City dahil sa matinding pagbaha bunsod ng malalakas na pag-ulan.
Mismong si Dr. Elmeir Apolinario, hepe ng Zamboanga City Disaster Risk Reduction Management Office ang nagdeklara ng state of calamity sa lungsod.
Sa huling datos ng PAGASA, nakataas na ang red alert status sa Zamboanga City, dahilan para suspindihin ang klase at pasok sa gobyerno.
Tiniyak naman ni Apolinario na kumpleto ang mga pangangailangan ng mga residente ng Zamboanga na nananatili sa evacuation centers, gaya ng relief goods at hygiene kits.
Kahapon, pansamantalang isinara at itinigil ang operasyon sa Zamboanga International Airport dahil sa baha sa runway at nararanasang zero visibility.