Libo-libong domestic at international flights sa Amerika ang naantala matapos makaranas ng computer outage ang Federal Aviation Administration (FAA).
Batay sa datos ng flight aware na sumusubaybay sa pagkaantala at pagkansela ng mga byaheng pang-himpapawid, nasa 7,600 flights papunta, mula at sa loob ng United States ang naantala at higit sa 1,100 flights naman ang nakansela.
Unti-unti namang ipinagpatuloy ang mga operasyon sa himpapawid dakong alas dies ng gabi, oras sa Pilipinas matapos i-lift ang isang ground stop order na nagpapatigil sa mga domestic departures para sa lahat ng airline.
Sa ngayon wala pang katibayan na ang pagbagsak ng teknolohiya sa paglalakbay sa himpapawid ay dahil sa cyber-attack, sinabi ng Transport Secretary Pete Buttigieg, ngunit hindi rin niya ito ibubukod. – sa panulat ni Hannah Oledan