Nagkasa ng limang taong programa ang United States Agency for International Development (USAID) para sa 30,000 maliliit na negosyante sa bansa.
Ayon kay US Ambassador to the Philippines Mary Kay Carlson pinondohan ng 18 million dollars ang programang “strengthening private enterprises for the digital economy” para makasabay ang small at medium enterprises (MSME’s) sa aniya’y lumalagong digital marketing sa Pilipinas.
Katuwang ng usad sa implementasyon ng naturang programa ang Department of Trade and Industry (DTI), Department of Finance (DOF), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Anti-Red Tape Authority (ARTA).