Inamin ni Liberal Party (LP) Vice Presidential candidate at Camarines Sur Rep. Leni Robredo na apektado sa pagpasok ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa presidential race ang lahat ng kandidato sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo.
Sa isang panayam kay Robredo, sinabi nito na lalo silang magsisipag na itulak ang awareness ng mga tao sa kanilang tambalan ni dating Sec. Mar Roxas.
Hindi umano ito indikasyon para panghinaan ng loob si Robredo at sa halip ay gagamitin niya ang political development na ito para lalong sipagan ng pagpapakilala sa kanyang sarili.
Kabilang sa mga sumusuporta at nagpapakilala sa kanya ay ang mga kapatid ni Pangulong Noynoy Aquino na sina Viel at Balsy.
By: Mariboy Ysibido