Top choice ng mga netizen sa pagka-pangulo sa 2016 si Sen. Miriam Defensor Santiago base sa isinagawang survey ng isang facebook page.
Sa resulta ng survey na isinagawa ng facebook page Pinoy history, nakapagrehistro si santiago ng 48.36% mula sa mga respondent kahit na siya lang ang tanging presidential aspirant na wala pang campaign ads sa ngayon.
Pumangalawa kay Santiago si Davao City Mayor Rodrigo Duterte, 42.35%; dating Interior Secretary Mar Roxas, 3.86%; Sen. Grace Poe, 2.15% at Vice President Jejomar Binay, 1.28%.
Mula nang ihayag ni Santiago ang kanyang presidential bid noong Oktubre, hindi pa naglalabas hanggang ngayon ng campaign ads ang senadora.
By: Mariboy Ysibido