Tuluyan ng nagpaalam si Filipino-Canadian Matthew ‘Chew’ Daves sa pamunuan ng Manila Blue Eagles sa koponan upang lumipat sa professional level.
Sinabi ni Daves na ang kanyang susunod na hakbang ay para maging mas mahusay na basketball player at higit sa lahat ay mas maging mabuting tao.
Nagpasalamat naman si Daves sa Ateneo Community sa pagtanggap at pagsuporta nito sa 4 na taon at sinabing hindi niya malilimutan ang alaala sa unibersidad.
Sinuportahan naman ng Ateneo Team Manager na si Epok Quimpo ang desisyon ng atleta tungo sa professional league. -Jenn Patrolla