Tumaas ang bilang ng self-rated poor o mga filipino na itinuturing ang kanilang sarili bilang mahirap.
Batay sa Social Weather Stations (SWS) survey noong December 10 hanggang 14, 2022, umakyat sa 51% o katumbas ng 12.9 million Filipinos ang itinuturing ang kanilang sariling bilang mahirap.
Kumpara ito sa 49% o 12.6 million noong Oktubre ng nakaraang taon.
Aabot naman sa 31% ang naniniwalang nasa “borderline” sila o alanganing mahirap o hindi mahirap habang 19% ang naniniwalang hindi sila mahirap.
Pinaka-mataas ang bilang ng self-rated poor o 35% mula sa dating 30% sa balance Luzon o mga nasa labas ng metro Manila, habang nabawasan sa Metro Manila, Visayas at Mindanao.
Tumaas naman sa 34% mula sa dating 21% ang nasa “borderline” sa Visayas; 29% sa Metro Manila mula sa dating 23% habang 30% sa Mindanao mula sa dating 28% to 30%.