Nagpaliwanag na ang Department of Health sa akusasyon laban sa kanila ni DOH-Program Manager for Cancer, Dr. Clarito Cairo na nagkaroon ng iregularidad sa pondong inilaan sa cancer prevention program.
Tugon ito ng DOH sa inihaing graft at malversation complaints ni Cairo laban sa ilang opisyal ng kagawaran.
Nanindigan ang DOH na dumaan sa tamang proseso at inaprubahan ng National Integrated Cancer Control Council ang lahat ng pondong may kaugnayan sa cancer programs.
Sinagot din ng kagawaran ang alegasyon na ilang ospital ang tinanggal sa nasabing programa.
Binigyang-diin ng DOH na ang pondong nakalaan sa mga pagamutan ay batay sa documented requests ng mga mismong ospital.
Sa katunayan anila ay nakatanggap cancer medicines at assitance na maaaring gamitin para sa diagnostics, treatment at iba pang suporta sa cancer patients ang mga government hospital na tinanggalan umano ng pondo.