Ikakasa na ng Commission on Human Rights (CHR) ang isang “independent motu proprio investigation” sa umano’y pagdakip ng militar sa dalawang buntis na rebelde noong Nobyembre 3 ng nakaraang taon sa Butuan City.
Kinilala ang mga NPA members na sina Aurily Havana at Jennifer Binungkasan, na dinukot umano ng 402nd Infantry Brigade.
Ayon sa CHR, nagdesisyon silang magsagawa ng sariling imbestigasyon matapos lumabas ang isang pahayag na nagsasabing sumuko umano sina Havana at Binungkasan sa Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa Las Nieves, Butuan kasama ang dalawang iba pa.
Matindi umanong paglabag sa karapatang pantao ang pagdukot o pag-aresto, pagkulong, pagdukot, o anumang uri ng pagtanggal sa kalayaan na isinasagawa ng mga tropa ng gobyerno. —sa panulat ni Hannah Oledan